-- Advertisements --

Aminado si World Health Organization Director-General Tedros Ghebreyesus na higit na nakakamamatay ang 2019 coronavirus infectious diseas (COVID-19) kaysa sa swine flu pandemic (H1N1) na naranasan ng buong mundo noong 2009.

Ayon kay Ghebreyesus, patuloy na inaaral ng kanilang organisasyon ang tungkol sa coronavirus na naging sanhi na nang pagkamatay ng libo-libong katao sa buong mundo at halos 1.8 milyon naman ang nagpositibo na sa naturang sakit.

Di hamak na mas malaki umano ang bilang na ito kumpara sa naitalang 18,500 katao na namatay dahil sa H1N1 na unang natuklasan sa Mexico at United States noong March 2009.

Dagdag pa nito, sa kabila raw nang mabilis na pagkalat ng nakamamatay na virus ay siya ring bagal nang pagkawala nito.

Dahil daw dito ay hindi umano kinakailangan ng mga bansa ang kaagad na pagtanggal sa ipinatupad na lockdown ng mga ito para labanan ang virus.

“Control measures can only be lifted if the right public health measures are in place, including significant capacity for contact tracing,” wika ng opisyal.

Nagbigay din ang WHO ng anim na criteria para sa mga bansa na maaaring gawin na basehan kung sakaling iniiisip na nilang i-lift ang lockdown.

Isa sa mga criterias na ito ay kung kontrolado na ng isang bansa ang transmission ng coronavirus at kung mayroon nang maayos na patakaran para ma-detect, isailalim sa test, isolation at pagpapagamot ang sinomang mapatutunayan na positibo sa naturang sakit.

“We know that COVID-19 spreads fast, and we know that it is deadly, 10 times deadlier than the 2009 flu pandemic,” saad ni Ghebreyesus.

Kasunod ito ng naging suhestyon ni President Donald Trump na muling rerepasuhin ng Estados Unidos ang pondo na nakatakdang ibigay sa WHO.

Ayon kay Ghebreyesus, isa ang Amerika sa pinakamalaking contributor ng organisasyon kung kaya’t umaasa umano ito na patuloy lamang ang suporta na ibibigay ng Republican president para sa WHO.