-- Advertisements --

Inirekomenda ni Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes na gawin na sa ngayon ang pre-screening para sa mga nakatatanda na babakunahan kontra COVID-19.

Sa pamamagitan kasi aniya ng pre-screening ay malalaman kung mayroong mga allergies, co-morbidities, at iba pang red flags na maaring magdulot ng malubhang reactions ng bakuna para sa mga tuturukan na mga lolo at lola.

Paraan na rin ito upang sa gayon ay matukoy na rin sa lalong madaling panahon kung anong bakuna ang dapat ibigay sa sektor na ito.

Bukod sa mga nakatatanda, inirekominda ni Ordanes na isama rin sa mga mabakunahan ang mga kasama ng mga lolo at lola sa kanilang bahay.

Sa ganitong paraan ay mababawsan aniya ang tsana na kumalat ang COVID-19 sa kanilang tahanan mismo.

Samantala, nakikita naman ni Ordones na malaking tulong ang plano ng Department of Health (DOH) na magbahay-bahay sa pagtuturok ng bakuna para na rin sa kaligtasan ng mga nakatatanda.