-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 2.7-Milyon na mga botante ang naiproseso ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, nangangahulugan nito na malapit na nilang maabot ang 3-M na target nila.
Nanguna ang Region IV-A Calabarzon sa may pinakamaraming naiproseso na aabot sa halos kalahating milyon na sinundan ng National Capital Region na mayroong mahigit 420,000 at Region VII na mayroong 190-K na naiproseso.
Mas marami pa ring mga kababaihan ang nagparehistro na aabot sa 1.4-M kumpara sa kalalakihan na mayroong 1.3-M.
Mayroon pang 13 mga probinsiya ang bibisitahin ng COMELEC para sa kanilang Voter’s Registration Education program.










