-- Advertisements --
sim card

Iniulat ng National Telecommunications Commission na sumampa sa 30 percent ng kabuuang bilang ng SIM card subscribers sa bansa ang nakapagparehistro na.

Ito ay batay sa pinakahuling datos na naitala ng kagawaran ngayong araw, Marso 27.

Ayon kay National Telecommunications Commission na si Director Engr. Imelda Walcien, katumbas ito ng nasa 50.34 million na mga SIM card subscribers mula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.

Ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin ang ginagawang paghimok ng kagawaran sa mga indibidwal na hindi pa nakakapagparehistro na magparehistro na ng kanilang SIM card bago ang itinakdang deadline nito sa April 26, 2023.

Samantala, kaugnay nito ay sinabi rin ni Walcien na sa ngayon ay patuloy pa rin nilang pinag-aaralan ang posibilidad ng pagpapalawig pa sa deadline ng SIM registration.