Pinapahintulutan nang bumalik sa kanikanilang mga tahanan ang mga residente ng mga lugar na naka-lockdown maliban na lamang sa bayan ng Agoncillo at Laurel.
Sinabi ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas na ito ang option sa ngayon ng naturang mga residente matapos na ibaba ng Phivolcs ang alert level status ng Taal Volcano sa Level 3 mula sa dating Level 4.
Ang Volcano Island naman ay isinailalim sa permanent lockdown, ayon kay Mandanas.
“Considering the latest advisory of Phivolcs released today, January 26, that the Alert Level has been lowered from 4 to 3, residents of all towns under lockdown except Agoncillo and Laurel now have the option to return to their respective residences or place of work,” ani Mandanas sa isang pulong balitaas.
Ayon sa gobernador, bukas na muli para sa mga residente ang bayan at munisipalidad ng Alitagtag, alete, Cuenca, Lemery, Lipa City, Malvar, Mataas ng Kahoy, San Nicolas, Sta. Teresita, Taal, Talisay at Tanauan City.