-- Advertisements --
Aalagaan na ng anak ng namayapang si Queen Elizabeth II na si Prince Andrew at dating asawa nito ang kaniyang alagang aso.
Ang Duke of York at Sarah na Duchess of York ay siyang magkukostodiya kina Muick at Sandy ang dalawang corgis na aso.
Ang nasabing mga aso aniya ay iniregalo ng prinsipe at anak nitong babae sa monarch queen noong 2021.
Mayroon ding alagang aso ang reyna na cross breed ng corgi at daschound na pinangalanang Candy.
Noong nabubuhay pa kasi si Queen Elizabeth ay mayroon itong mahigit 30 na corgis.
Iniregalo kasi ni Prince Andrew ang asong si Sandy noong ika-95th birthday ni Queen Elizabeth II.