Mali the Elephant
Photo © NicereoAdventures – Si Mali sa loob ng Manila Zoo

Nagpaabot din nang pakikdalamhati ang People for Ethical Treatment Animals (PETA) sa pagpanaw ni dating Environment Secretary Regina “Gina” Lopez.

Sa isang statement, sinariwa ni PETA manager Ashley Fruno kung paano nakatulong si Lopez sa kampanya nito para palayain ang elepanteng si Mali sa Manila Zoo.

“One of her greatest dreams was to see Mali free from loneliness and suffering at the Manila Zoo, and she played a crucial part in PETA’s campaign to accomplish that,” ani Fruno.

Sumakabilang buhay si Lopez nitong araw sa edad na 65 dahil sa brain cancer.

Itinuturing siya ng PETA bilang “animal lover, Earth warrior, and activist.”

Umaasa si Fruno na gagayahin ng taumbayan ang katangian na ito ni Lopez.