-- Advertisements --

Papalo na sa halos 1,800 ang bilang ng mga lumabag sa pinaiiral ng Commission on Elections (Comelec) na gun ban.

Ayon sa PNP, nasa kabuuang 1,791 na katao na ang nahuli ng PNP na may bitbit na mga baril at deadly weapons mula nang ipatupad ang gun ban noong buwan ng Enero.

Kinabibilangan ito ng 1,740 civilians, 27 security guards, 15 police officers at siyam na military personnel.

Nasa kabuuang 1,673 police operations naman ang naisagawa na ng PNP at nakarekober ang mga ito ng 1,379 na baril, 7,634 piraso ng bala at 650 650 deadly weapons.

Karamihan pa rin sa mga lumabag ay mula sa National Capital Region (NCR) na mayroong 598 na sinundan ng Central Visayas na may 189, Central Luzon na may 124, Calabarzon, 187 at Western Visayas, 100.

Base sa Comelec Resolution No. 10728, ang pagbitbit at pagbiyahe ng mga armas ay mariing ipinagbabawal sa labas ng bahay at public places mula Enero 9 hanggang Hunyo 8.

Exempted naman dito ang mga law enforcement agencies pero kailangan nilang kumuha ng authorization mula sa Comelec at kailangang nakasuot ang mga ito ng agency-prescribed uniform habang naka-duty.

Posibleng makulong nang hanggang anim na taon ang mga lalabag sa gun ban.