-- Advertisements --

Nanawagan si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate sa pamahalaan na isapubliko kung paano ginamit ang P3.7 trillion sa ilalim ng P4.1 trillion 2020 national budget.

Mahalaga aniya ito bago pagkatiwalaan naman ang paggastos sa P162 billion sa ilalim ng proposed Bayanihan to Recover as One Act.

Binabansagan kasi aniya sa ngayon ang Bayanihan 2 bilang “recovery” fund kahit pa marami pa ring mga Pilipino ang hindi ramdam ang ipinangakong kaunlaran ng Bayanihan 1.

Ayon kay Zarate, hindi pa rin katiyakan ang Bayanihan 2 na magkakaroon ng full funding para sa libreng mass testing sa lahat ng vulnerable members ng lipunan, lalo na ang mga frontline healthcare workers at iyong nakahalubilo ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Hanggang ngayon kasi ay wala paring epektibong contact tracing starategy ang pamahalaan, at nasa bingit na ng pag-collapse ang buong health-care system.

Nangangamba si Zarate na magagamit lamang ang pondo ng Bayanihan 2 sa pangangampanya ng mga kaalyado ng administrasyon sa darating na 2022 national elections.