WHO Wuhan coronavirus China nCoV

Pumalo na sa mahigit kalahating milyon ang nadapuan ng coronavirus sa buong mundo.

Mayroong 524,010 ang kaso sa 182 bansa.

Nakasaad din sa datus ng World Health Organization (WHO) mayroong 23,670 na rin ang namatay dahil sa virus.

Nasa 123,222 naman ang naka-recover sa nasabing sakit.

Inaasahan na rin ng WHO na mas tataas ang nasabing bilang dahil maraming mga bansa ang nagsasagawa lamang ng testing sa mga mayroong severe cases o mga pasyente na kinakailangan nang dalhin sa pagamutan.