Hindi exempted sa travel protocols na inilatag ng pamahalaan ang mga indibidwal na nabakunahan na ng COVID-19 vaccine.
Sa pagdinig ng House Committee on Health hinggil sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na wala pang sapat na datos na nagpapakita na maaring maiwasan ang transmission ng coronavirus kung naturukan na ang isang indbidwal ng bakuna laban dito.
Sa ngayon kasi, ang malinaw lamang ay pinipigilan ng COVID-19 vaccine ang pagkakaroon ng mild hanggang severe symptoms ng isang indibidwal na naturukan nito.
Maging si Dr. Edsel Salvana, miyembro ng technical advisory group ng Department of Health (DOH), ay ganito rin ang possyon.
Sinabi ni Salvana na ang mga nabakunahan ay maari lamang makabiyahe nang walang restrictions kung ang bakunang itinuroks sa kanila ay mapapatunayang 100 percent na humaharang sa transmission ng sakit.
Pero sa ngayon, wala pa aniyang ebidensya o pag-aaral na makakapagpakita nito.










