Binigyang-diin ni Orlando Cardinal Quevedo, Archbishop Emeritus ng Cotabato, ang isang bagong pananaw sa espirituwal na ugnayan ng tao at ng Diyos sa kanyang pinakabagong mensahe sa mga mananampalataya ngayong Linggo ng Pagkabuhay.
Ayon sa Cardinal, madalas na inaakala ng mga deboto na sila ang naghihintay sa pagdating o pagkilos ni Hesus sa kanilang mga buhay, ngunit binigyang-diin niya na maaaring ang kabaliktaran ang katotohanan.
“We wait for Jesus in our lives, but perhaps its the other way around. Jesus is waiting for us in our lives,” Cardinal Quevedo.
Sa kanyang pagninilay, ipinaliwanag ng Cardinal na ang presensya ng Diyos ay palagiang nariyan at ang tao lamang ang madalas na huli sa pagtugon o pagkilala sa presensyang ito.
Hinimok niya ang mga Kristiyano na maging mas mapagmatyag sa mga pagkakataong kumakatok ang Panginoon sa kanilang mga puso sa gitna ng pang-araw-araw na hamon.
Ang pahayag na ito ni Quevedo ay nagsisilbing paalala sa mga mananampalataya na suriin ang kanilang espirituwal na kahandaan at mas paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at pagtulong sa kapwa.















