
Makakatanggap ng malaking refund sa bayarin sa tubig ang mahigit 200,000 customers ng Maynilad Water Services Inc. na siniserbisyuhan ng Putatan Water Treatment Plants (PWTPs) na apektado ng water service interruptions simula sa Pebrero ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO).
Sa isinagawang public information drive para sa mga apektadong customers ng Maynilad, sinabi ni MWSS-RO Technical Regulations Area-Operations Monitoring manager Engr. Joel Dominguez, nadiskubre ng ahensiya na mula Disyembre 23 ng nakalipas na taon hanggang Enero 15 ngayong taon, nagkaroon ng service level breach sa mga lugar sa Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas, at Cavite kabilang ang mga lugar sa Bacoor, Imus, Noveleta, Rosario, at Cavite City.
Ayon kay Dominguez, mayroong kabuuang 222, 221 mga customer ang naapektuhan ng water service interruption.
Nagbunsod ito para ipag-utos ng water concessionaires regulator sa Maynilad na i-rebate o i-refund sa mga apektadong customer ang halagang P27.477 million.
Una ng inihayag naman ng Maynilad na nagpapatuloy pa rin ang maintenance activities sa kanilang water treatment plants.
Dagdag pa dito, ayon sa Maynilad upang matugunan ang pangangailangan sa tubig, nagtatayo ito ng bagong treatment plan sa may Poblacion, Muntinlupa.
Target na makumpleto ito sa katapusan ng taong ito na idinisenyo para makapag-produce ng nasa 150 Minimal Liquid Discharge (MLD) ng karagdagang suplay para mabawasan ang water service interruptions.










