-- Advertisements --

Pangungunahan ni Sen. Christopher “Bong” Go ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyong ‘Vicky’ sa Bunawan, Agusan del Sur.

Isasagawa ang pagbisita at pamamahagi ng tulong ni Go sa Disyembre 29, 2020, araw ng Martes sa Zotico C. Moday Sports Complex and Cultural Center sa nasabing bayan.

Una nang sinabi ni Go na kahit ngayong holiday season ay hindi sila titigil sa paghahatid ng mga tulong partikular sa mga biktima ng mga nagdaang kalamidad.

Maliban sa Bunawan, bibisitahin at dadalhan din ng tulong ng senador ang mga biktima ng kalamidad sa mga bayan ng Prosperidad, Rosario, Cabadbaran, San Francisco at Talacogon ngayong linggong ito.

Patuloy namang ipinapaalala ni Go sa mga mamamayan ang pagsunod sa health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield lalo na sa mga pampublikong lugar.

Maging ang senador at mga staff nito ay mahigpit na sinusunod ang mga health and safety protocol sa tuwing naghahatid ng tulong sa mga kababayang nangangailangan.