Muling pinapaalalahanan ang mga motoristang hindi otorisado na dumaan sa EDSA Bus lane.
Ito ay matapos na hulihin ng mga awtoridad ang nasa 110 na hindi otorisadong motorista na gumamit ng EDSA bus lane sa kasagsagan ng rush hour nitong Huwebes.
Ayon sa Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), nahuli ang karagdagan pang 109 motorista dahil naman sa hindi pagsunod sa traffic signs.
Ilan sa mga motorista kabilang ang 6 na polic epersonnel, isang military officer at empleyado ng gobyerno ay inaming dumaan sila sa exclusive bus lane para maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Subalit paalala ni Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa mga pribadong motorista na striktong nakareserba lamang ang EDSA bus lane para sa city buses at mga sasakyang ginagamit para sa emergency response gaya ng ambulansiya, fire trucks at police patrol cars.
Ang mga mahuhuling lalabag ay pagmumultahin ng P1,000 para sa unang paglabag at 5 demirit points sa lisensiya sa pagmamaneho.