-- Advertisements --

Agad na nagtungo sa Balmoral Castle ang mga kaanak ni Queen Elizabeth.

Kasunod ito na mahigpit na binabantayan ng mga doctor ang kaniyang kalusugan.

Unang dumating sa lugar sina Prince Charles at Camilla.

Si Prince Charles ang Prince of Wales na siyang panganay na anak ni Queen Elizabeth.

Ayon pa sa Clarence House na mananatili ang Duchess of Cambridge na si Catherine sa Winsor castle dahil sa nag-aaral ang kaniyang mga anak na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis.

Ang asawa naman nito na si Prince William ang Duke of Cambridge ay magtutungo sa Balmoral Castle para bumisita kay Queen Elizabeth II.
Patungo na rin sa Balmoral Castles sina Prince Harry at asawa nitong si Meghan ganun din ang ibang anak ni Queen Elizabeth na sina Prince Edward at Princess Anne.

Ang Balmoral Castle ay matatagpuan sa Scotland kung saan doon namalagi si Queen Elizabeth para magbakasyon.

Magugunitang kinansela ni Queen Elizabeth ang ilan nitong mga aktibidad matapos na payuhan siya ng kaniyang mga doctor na magpahinga.