Isasama na rin ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard sa Pambansang Pabahay Program para sa mga Pilipino Housing(4PH) project ng pamahalaan.
Ito ay kasunod ng pinirmahang kasunduan sa pagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Philippine Coast Guard (PCG).
Sa nasabing kasunduan kasi, isasama na ang mga Coast Guard members bilang benepisaryo ng pabahay program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng dalawang ahensiya ay nilagdaan nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at PCG OIC Vice Admiral Rolando Punzalan Jr.
Ito ang magsisilbing kauna-unahang pabahay program para sa alinmang iniformed service ng bansa, sa ilalim ng 4PH.
Ipinagpasalamat naman ni Vice Admiral Punzalan ang bagong development na tiyak aniyang malaking ‘boost’ sa morale at kapakanan ng bawat miyembro ng Philippine Coast Guard.
Samantala, tiniyak naman ni Sec. Acuzar na ang nasabing kasunduan ay nakalinya pa rin sa programa ni Pang. Marcos na isama ang mmga uniformed personnel sa ilalim ng 4PH.