Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Nais ng Office of the Civil Defense (OCD) – Cordillera ang temporaryong pagsuspinde sa operasyon ng mga Small Scale Mining sa lalawigan ng Benguet dahil sa Bagyong Falcon.

Ayon kay Cyr Bagayao, Information Officer ng OCD-Cordillera, ito ay upang maiwasang mapahamak ang mga minero.

Pinayuhan nito ang mga minero na iwasan muna nilang pumasok sa mga minahan ngayong nararanasan ang epekto ng bagyo.

Idinagdag pa ni Bagayao na dahil sa bagyo ay maaaring makaranas ang Benguet ng mga pagguho ng lupa sa mga minahan kaya’t pinag-iingat ang mga small scale miners.