-- Advertisements --

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) na mahaharap sa perpetual disqualification mula sa pag-mamay-ari ng baril kung mahuhuli ang licensed gun owners na lumabag sa 6-day gun ban na ipapatupad sa Metro Manila bilang bahagi ng security measures para sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay PNP Director for Operations Maj. Gen. Valeriano De Leon , habang maaga pa lamang ay kanila ng ipinapaalam sa publiko partikular na ang gu owners sa ipapatupad na gun ban sa National Capital Region upang maiwasan ang anumang legal complaint.

Paliwanag ng opisyal na sisiguraduhin niyang mapaparusahan ang mga lalabag sa gun ban alinsunod sa rules and regulations ng PNP.

Isasagawa ang SONA sa July 25 sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Ang gun ban ay iiral mula July 22 hanggang July 27.

Sa anim na buwang election sa bansa, nasa mahigit 3000 gun ban violators ang naaresto habang nasa 9 naman sa kasagsagan ng National Capital Region-wide gun ban noong inagurasyon ni Pangulong Marcos.