-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Department of Transportation (DoTr) na hindi pa puwedeng sumakay sa mga public utility vehicles (PUVs) ang mga menor de edad kahit mas maluwag na ang mga alert level sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Transport Assistant Secretary Manuel Gonzales, kahit kasama raw ng mga menor de edad ang kanilang mga magulang o guardians.

Paliwanag ng opisyal, wala pa raw kasing guidelines mula sa mga Inter Agency Task Force (IATF) kaugnay ng naturang usapin.

Dagdag ng opisyal, noong mga nakaraang araw ay pinagbawalan muna ng mga law enforcers ang pagsakay ng mga bata sa pampublikong sasakyan dahil wala pang guidelines na inilabas.

Kung maalala, ngayong niluwagan pa ang Metro Manila sa Alert Level 2, pinayagan na rin ang mga menor de edad na lumabas at pumunta sa mga establisiyemento at malls anuman ang status ng pagbabakuna.