-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umabot sa 90% na kabataang nailigtas ng Iloilo City Social Welfare Development sa loob ng umano’y sex den sa Iloilo Terminal Market ang nagpositibo sa Sexually Transmitted Infection (STD).

Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Rara Ganzon, focal person ng Iloilo City Social Wefare Development Office, sinabi nito na mga kabataang nasa edad 14 hanggang 16 ang na-rescue at nagpositibo sa mga STD kagaya ng gonorrhea at syphilis.

Ayon kay Ganzon, matagal na itong problema at lubos nilang ikinalulungkot na malaking porsyento ng mga kabataan ang apektado ng nakakahawang sakit.

Ani Ganzon, isang dahilan kung bakit maraming kabataan ang apektado ng nasabing impeksyon ay dahil sa kapabayaan ng kanilang mga magulang o guardian na sa halip ay bantayan, hinahayaan lang na gumala sa mga daan sa dis-oras ng gabi.

Tiniyak naman ni Ganzon na mapapagamot ang mga biktimang kabataan.

Isinailalim din ang mga ito sa Literacy Program training ng Technical Education and Skills Development Authority upang makapagpatuloy ng pag-aaral, habang ang iba naman ay ipinatingin sa mga psychologist.