Tanging ang mga menor de edad na “fully vaccinated” ang papayagan sa Manila North at South cemeteries sa pagdaraos ng undas.
Sa isang advisory na ipinost sa kanilang social media page, sinabi ng pamahalaang lungsod na pinahihintulutan na nito ang mga fully vaccinated na mga menor de edad na sumama sa kanilang mga magulang sa pagbisita sa mga patay mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.
Ngunit dapat nilang ipakita ang kanilang mga vaccination card sa pagpasok.
Ang mga nasa hustong gulang na bibisita sa mga patay ay kinakailangan ding ipakita ang kanilang mga vaccination card.
Sinabi ng lokal na pamahalaan na ipinagbabawal sa mga sementeryo ang mga alcoholic beverage, flammable materials, baril, matutulis na bagay, videoke machine at gambling card.
Bawal din ang mga nagtitinda sa dalawang sementeryo.