Papayagan lamang ang mga mamamahayag na gumala sa iba’t-ibang lugar para kumuha ng mga balita sa pagsisimula ng enhance community quarantine.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office chief Martin Andanar, na ang mga lehitimong media ay dapat makakuha ng special ID mula sa kanilang opisina.

Maging ang mga sasakyan na mga mamamahayag ay dapat makikita ang mga pangalan ng mga kumpanya.

Dapat kumuha ang mga ito sa loob lamang ng 72 oras na nagsimula ng maging epektibo ang memorandum.