Inirekomenda ng Department of Health (DOH) na patuloy na i-isolate ang mga kaso ng COVID-positive at sumailalim sa quarantine sa kabila ng pag-alis ng state of public health emergency sa bansa.
Sa ilalim ng circular ng DOH na nilagdaan ni Health Secretary Ted Herbosa, ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 na may katamtaman hanggang malalang sintomas at kabilang sa kategoryang immunocompromised ay kailangan pa ring ihiwalay ng hindi bababa sa 10 araw.
Pinapayuhan din ang mga pasyente na magsuot ng well-fitted face mask sa loob ng 10 araw.
Para sa mga malalang kaso at immunocompromised na pasyente, sinabi ng DOH na maaari lamang nilang ihinto ang isolatio sa payo ng kanilang health care provider.
Ang mga kumpirmadong positibong kaso ng COVID-19 na may mild syptoms s o mga indibidwal na may acute respiratory symptoms at asymptomatic na mga kaso ay pinapayuhan na dapat mag-isa sa bahay o mag-isolate sa loob ng limang araw o hanggang sa walang lagnat na ang maitatala ng hindi bababa sa 24 na oras nang hindi gumagamit ng antipyretics tulad ng paracetamol
Para sa mga asymptomatic close contact na na-exposed sa isang kumpirmadong indibidwal na positibo sa COVID-19, sinabi ni Herbosa na hindi na kailangang mag-quarantine ngunit dapat silang magsuot ng maayos na face mask sa loob ng 10 araw.
Sa kasalukuyan, binigyang diin ni Herbosa na hindi pa rin dapat ipagsawalang bahala ang COVID19 kasunod ng pagtatanggal dito bilang public health emergency sa ating bansa.