-- Advertisements --

Plano ng pamahalaan na turukan na ng pangalawang COVID-19 vaccine booster shots ang mga matatanda at health care workers.

Ito ay bilang pagsisikap na mabigyan ng proteksiyon ang ibang high-risk groups.

Ayon kay Vaccine Expert Panel chairperson Dr. Nina Gloriani, plano na nilang e-expand ang bakunahan ng pangalawang COVID-19 vaccine booster shots.

Dagdag pa nito na wala silang nakitang problema kung pag-uusapan ang “safety” ng bakuna.

Ginawa niya ang pahayag matapos ang ilang medical frontliners at senior citizens ay tumanggap ng pangalawang booster shot sa isang ospital sa Metro Manila nang ang paunang rollout ay dapat na limitado sa mga immunocompromised na indibidwal.

Magugunitang, sinimulan na ng bansa ang pagbibigay ng karagdagang jab sa mga immunocompromised people noong araw ng Lunes.