Nagbigay agad ng paglilinaw ang Commission on Elections (Comelec) sa Kontra Bigay na binuo ng komisyon kontra pa rin sa vote buying sa halalan.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang Kontra Bigay ay hindi lamang limitado sa pamimigay.Aniya, para raw itong ‘it take two to tango’ o mananagot din sa batas hindi lamang ang namimigay kundi pati ang mga tumanggap.
Gayunman, huwag daw matakot ang mga nabigyan na mga botante na dumulog sa mga otoridad dahil puwede raw nila itong hindi sampahan ng reklamo.
Paliwanag ni Garcia, puwede raw kunin ng Comelec ang mga ito bilang state witness.
Pero ang mga lokal na opisyal lamang daw may hurisdiksiyon ang Comelec sa mga mapapatunayang bumibili ng boto.
Kapag ang posisyon ay mas mataas sa lokal tulad ng congressman pataas ay mawawalan na raw ng hurisdiksyon ang Comelec.