-- Advertisements --
Inatasan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga manlalaro na dapat ay fully-vaccinated na sila bago sumabak sa pagsisimula ng Governors Cup sa Disyembre 8 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ayon sa PBA na ang mga manlalaro na hindi bakunado ay sasailalim sa mas mahigpit na health and safety protocols kabilang ang testing araw-araw.
Sinabi naman ni PBA Board Chairman Ricky Vargas na maging ang mga imports na kukunin ay dapat bakunado na rin.
Magugunitang mayroon ng 22 kaso ng Omicron variant ang nakita sa ilang mga mamamayan ng UK na galing sa ibang bansa partikular na sa South Africa.