-- Advertisements --
Hinikayat ng mga mambabatas ang Department of Labor and Employment (DOLE ) na pag-aralang mabuti ang mga employment surveys na isinasagawa ng Philippine Statistics Authority.
Ayon sa mga mambabatas na hindi magkakaparehas ang inilalabas ng DOLE at PSA sa bilang ng mga mayroon at walang trabaho sa bansa.
Ilan sa mga tinukoy din dito ay ang ipinagmamalaki ng DOLE na pagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan sa ilalim ng ulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program o TUPAD program.
Ang nasabing programan aniya ay panandalian lamang kaya ito ay nakakaapekto sa bilang ng mga walang trabaho sa bansa.