Nagsagawa ng vigil ang mga residente ng Beirut isang linggo matapos ang naganap na pagsabog na ikinasawi ng mahigit 160 kataon.

Maraming mga residente doon ang nagtungo sa lugar ng pinangyarihan ang nag-alay ng pagdarasal.

Magugunitang mahigit 2,000 katao ang nasugatan matapos ang pagsabog ng mahigit 2,500 toneladang ammonium nitrate na nakaimbak sa Beirut port.

Dahil sa pangyayari ay nagbitiw sa kanilang puwesto ang ilang opisyal ng Lebanon matapos ang panawagan ng mga mamamayan.