-- Advertisements --
Hindi na gaanong hinihigpitan ang mga mamamayan ng Germany na naturukan na ng COVID-19 vaccine.
Sa ipinasang bagong batas ng gobyerno na ibabalik ang mga kalayaan ng mga mamamayan nila na nabakunahan na.
Nakasaad dito ay ang hindi na sila sisitahin sa anumang curfew at hindi na rin limitado ang anumang social contacts.
Hindi na rin kailangan nila na magpakita ng mga negaitbong test result para maka-access ng mga serbisyo gaya sa mga hairdressers at “click and meet” shopping appointments.
Nangangailan pa rin ang mga ito ng magsuot ng face mask sa mga matataong lugar at dapat mapanatili ang social distancing.