-- Advertisements --

Hindi nagbigay ng komento ang mga abogado ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na sina Atty. Jimmy Bondoc at Atty. Israelito Torreon hinggil sa ulat na wala na sa premises ng Senado ang senador.

Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Atty. Bondoc na hindi sila makakapagbigay muna ng detalye sa kinaroroonan ni Dela Rosa dahil sa “client-lawyer privilege.”

Humingi rin ng pang-unawa ang kampo ng senador at hiniling na igalang ang kanilang desisyon dahil sa masalimuot na sitwasyon.

Mariin namang itinanggi ni Atty. Bondoc ang alegasyong “staged” o pakana lamang ang naganap na shooting incident sa Senado kagabi.

Tiniyak naman ng mga abogado na nasa maayos na kalagayan ang senador.

Matatandaan, nauna nang kinumpirma ng isang senador, base sa isang miyembro ng Senate secretariat na nakaalis na si Dela Rosa mula sa premises ng Senado umaga ngayong Huwebes. Sinabi rin ng secretariat na lumabas si Dela Rosa bandang alas-2:30 ng madaling araw.