Nag-adjust ng kanilang operating hours ang mga iba’t-ibang malls sa National Capital Region.

Kasunod ito ng pagpapatupad modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR.

Karamihan sa mga malls ay magbubukas mula 10 a.m. hanggang 7 p.m.

Paglilinaw ng mga ito na tanging mga essential stores lamang ang bukas kabilang ang mga banko, pharmacies, telecom shops, hardware stores at restaurant na mayroong fresco dining, take-out at delivery.

Mahigpit din na ipapatupad ng mga malls na dapat ay nakasuot ng facemask at faceshields ang mga magtutungo sa kanilang malls.