-- Advertisements --

Isang dekada nang nakararanas ng kakulangan sa mga libro o textbooks ang mga mag-aaral sa elementary sa mga pampublikong aaralan sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) batay sa kanilang naging pagsusuri sa mga mababang paaralan sa buong bansa.

Sa naging pag-aaral ng naturang komisyon ay napag-alaman nito na hanggang sa ngayon tila nagsisilbi pa rin na pribilehiyo sa mga estudyante ang pagkakaroon ng libro para matuto.

Batay pa sa naturang pag-aaral ng EDCOM 2, mula noong taong 2012 hanggang 2022 tanging ang mga mag-aaral lamang sa Grade 5 at Grade 6 ang mayroong kumpletong textbooks, bagay na malaki anila ang epekto sa learning process ng mga estudyante.

Pag-amin ng Department of Education, bagama’t mayroong natatanggap na pondo ang kagawaran mula sa pamahalaan para sa mga textbook ay nahihirapan itong i-fully utilize ang naturang pond.

Ayon sa ahensya, tatlong taon na silang kumakaharap sa pagsubok pagdating sa procurement process ng mga textbook partikular na noong panahon ng pandemic kung saan nag-shift sa hybrid set up ang mga paaralan.

Habang isa rin sa mga dahilan nito ay ang pagpapalit ng curriculum tungo sa K-12 curriculum.

Dahil dito ay hinikayat din ng EDCOM 2 ang DepEd na ikonsidera na rin ang pagbili ng mga textboks na readily available na sa halip na maghanap ng mga publishers.

Samantala, gayunpaman ay sinabi naman ni Deped spokesperson Usec. Michael Poa na sa ngayon ay may mga ginagawa na silang hakbang para tugunan ito.

Kabilang sa mga ito ay ang paghahanap aniiya sa mga magdedevelop ng manuscripts, at content ng textbooks na sila na ring magpiprint at magdedeliver ng mga ito sa mga paaralan.

Habang sa ngayon aniya ay nagsasagawa na rin ng sariling pag-aaraln ang DepEd upang alamin kung papaano tutugunan ang suliraning ito. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)