Patuloy na bumilis pa ang kilos ng tropical depression Jenny.
Sa pinakahuling taya ng PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa 395 km East Northeast ng Virac, Catanduanes o 525 East ng Daet, Camarines Norte.
May lakas ito ng hangin ng hanggang 55 kph at pagbugso ng hanggang 70 kph.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, northern portion of Quezon including Polillo Islands, Cavite, Laguna, Camarines Norte, northeastern portion of Camarines Sur, Catanduanes.
Ayon sa PAGASA, asahan ang madalas na pag-ulan sa Bicol Region, Samar provinces, Quezon, Bulacan, Nueva Ecija, Aurora, Nueva Vizcaya, Qurino, Isabela at Cagayan.
Pinag-iingat ng ahensya ang mga naninirahan malapit sa karagatan dahil sa posibleng pagtaas ng tubig.