Dumami pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal number one (1) dahil sa bagyong Auring.
Kabilang sa mga ito ang ilang parte ng Visayas, partikular na sa Southern Leyte at southeastern portion ng Eastern Samar.
Habang sa Mindanao naman ay ang Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Camiguin, western portion ng Misamis Oriental (Balingasag, Balingoan, Binuangan, Claveria, Gingoog City, Jasaan, Kinoguitan, Lagonglong, Magsaysay, Medina, Salay, Sugbongcogon, Tagoloan, Talisayan, Villanueva) at western portion ng Bukidnon (Cabanglasan, Impasug-ong, Lantapan, Malaybalay City, Malitbog, Manolo Fortich, Maramag, Quezon, San Fernando, Sumilao, Valencia City).
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 415 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.
Kumikilos ang tropical storm Auring nang pakanluran sa bilis na 15 kph.