-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na may matatanggap na assistance ang maapektuhang mga residenteng nasa mga lugar na isasailalim sa panukalang granular lockdown.

Subalit paglilinaw ni Interior Usec. Jonathan Malaya sa kasalukuyan inaantay pa ang final approval ng IATF sa rekomendasyon ng DILG na pagpapatupad ng granular lockdown sa halip na malawakang lockdown.

Ayon kay Malaya, sa ilalim ng dalawang linggong granular lockdown, inaatasan ang mga LGUs na magpamahagi ng assistance sa mga residente sa unang linggo habang sa ikalawang linggo naman mamimigay ang DSWD ng food packs.