-- Advertisements --
LSIs LSI rizal stadium stranded covid
LSIs at Rizal Memorial Stadium, Maynila (photo Bombo Radyo)

(Update) Inaasahan na raw na lolobo pa ang magpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na mga locally stranded individuals (LSI’s) na nasa Rizal Memorial Sports Complex sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Hatid Tulong program lead convenor Asec. Joseph Encabo, sa ngayon mahigit 20 na ang bilang ng mga dinapuan ng virus na mga LSI’s.

inaasahan na raw nilang lolobo pa ang bilang ng mga magpopositibo habang nagpapatuloy ang rapid testing.

Sinabi naman ni Encabo na isasalang ang lahat ng mga nagpositibo sa rapid test sa confirmatory test.

Ang mga magpopositibo naman sa virus ay agad dadalhin sa covid facility sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City. 

Tiniyak naman ni Encabo na mayroong isolation area sa baseball at football field ng complex para ihiwalay ang mga LSI’s na na-expose sa mga nagpositibo na umaabot na sa 27 na nasa loob ng sports complex.