Hinimok ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga indibidwal na may mga baril na hindi lisensiyado o loose firearms na mas mabuting isuko na lamang ang mga ito sa otoridad

Ayon kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla na siya ring tagapagsalita ng implementation ng Martial Law sa Mindanao na dapat isuko ng mga ito ang kanilang mga loose firearms bago pa ito makumpiska.

Aniya, kung hindi man isusuko ang mga loose firearms, gumawa na ng inisyatibo na gawin itong legal o ikuha ng permit ang kani-kanilang armas.

Dagdag ni Padilla, ito ay para hindi na maabala ang mga residente ngayong nasa Martial Law ang Mindanao.

Isa sa tututukan ng militar ay ang mga identities ng mga indibidwal kaya importante bitbit ng mga ito ang kanilang ID.

Dahil dito humihingi ng pang unawa ang AFP sa publiko sa abalang dulot ng kaguluhan sa Marawi city.