Pinag-iingat ng Department of Tourism (DoT) ang mga lokal at dayuhang turista na makipag-transaksyon lamang sa DOT-Accredited accommodation establishments, travel and tour agencies, tour guides at iba pang tourism enterprises.
Ginawa ito ng DoT, kasunod ng mga reklamo ukol sa hindi maayos na serbisyo ng ilang travel agencies.
Lumalabas kasi sa record na kapag ganitong panahon na may long weekend, marami ang kumukuha ng tulong ng mga agency para sa kanilang mga byahe at iba pang aktibidad.
Payo ng ahensya, tangkilikin lamang ang mga nagtataglay ng DOT Quality Seal at corresponding Accreditation Number na may validity.
Ang mga may reklamo naman ay maaari umano tumawag sa kanilang opisina at sa iba’t-ibang online accounts na patuloy na mino-monitor.
Una nang sinabi ng department of Transportation na inaasahang lolobo hanggang sa halos dalawang milyon ang mga maglalakbay sa pamamagitan ng eroplano, habang mas malaking bilang pa ang gagamit ng barko at buses.
-- Advertisements --