KORONADAL CITY – Maituturing umano na isang digmaan ang mga mangyayaring palaro sa 2019 SEA Games dito sa bansa.

Ito ang naging paglalarawan ni coach Eduardo “Vertek” Buenavista sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Buenavista na siyang namamahala sa mga marathoners, dapat paghandaan ng mga atleta ang kanilang mga sarili lalo na’t mga malalakas na mga kalaban ang kanilang makakaharap.

Inamin din nito kahit naging sundalo na ito sa loob ng 19 na taon, hindi pa rin nito iniiwan ang larangan ng sports at nais niyang makapag-ambag sa mga atletang gustong magbigay ng karangalan sa Pilipinas.

Dagdag ng binansagang King of the Road, dapat paghandaan ng mga local contenders ang mga powerhouses katulad ng Singapore at Thailand

Nabatid na si Buenavista ay isang 5-time SEA Games gold medalist noong dekada 90 at pinagmamalaking produkto mula sa bayan ng Sto. Nino, South Cotabato.