-- Advertisements --
deped 1

Todo ngayon ang paglilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi nito pinasasauli ang lahat ng gadgets na ginagamit ng mga guro para sa distance o online learning.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, tanging ang laptops, desktops at tablets na property ng gobyerno at ginagamit sa computer laboratories ng paaralan ang ibabalik ng teachers.

Bahagi ito ng DepEd Computerization Program, na ipinatupad para sa computer labs bago pa magpandemya.

Nakasaad aniya sa memorandum noong 2020, na dapat isauli ang mga naturang device sa sandaling ipatupad na ang regular face-to-face classes.

Pero hindi kasama rito ang tablets o laptops na ipinagkaloob ng local government units sa mga guro.

Idinagdag naman ni DepEd – National Capital Region Regional Director Wilfredo Cabral, na sa pagtatapos ng school year ay obligadong isauli ang gadgets para sa inventory.

Maaari namang humiram ang mga guro ng gadgets basta’t may formal request sa eskuwelahan.