CAUAYAN CITY- Nakitaan ng Department of Health (DOH) region 2 ng pagtaas ng dengue cases sa mga lalawigan ng rehiyon 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Health Education Promotion Officer 2 Pauline Atal ng DOH region 2, sinabi niya na naitala nila ngayong taon ang 787 cases ng dengue na mas mataas sa mga naitalang kaso noong nakaraang taon na may 492% difference.
Nangunguna sa may pinamataas na kaso ng dengue ang Isabela na may 533 cases at isa ang nasawi; Cagayan na may 263 cases, isang ang nasawi; Nueva VIzcaya na may 103 cases; Quirino na may 46 cases at Batanes na may dalawang kaso.
Bilang tugon ay naghahanda ang DOH region 2 sa kanilang dengue prevention program kung saan nakapag-procure na ang kagawaran ng mas maraming insecticide para sa mga lugar na may clustering o may matataas na kaso.
Nais rin nilang magprocure ng mas maraming mosquito net na maaaring maipamahagi sa mga paaralan na may matataas na kaso dahil batay sa kanilang datos nasa 34% ng total cases ay kabilang sa one to ten age group.
Ang pangunahing dahilan sa pagdami ng mga tinatamaan ng dengue ay ang naranasang mga pag-ulan mula Enero hanggang Abril.
Panawagan ng DOH sa mga barangay na maliban sa pagbabakuna mula COVID 19 ay dapat muling paigtingin ang tinatawag na 4S (search and destroy, seek early consultation, self protection, at support fogging.