-- Advertisements --
Ibinunyag ng United Nations High Commissioner for Human Rights Office ang ginagawang pananakit ng mga Israel sa kaniyang mga naarestong lalaking Palestino.
Sinabi ni Ajith Sunghay ng UN Human Rights Office na nakakaranas ng pananakit ang mga bihag na mga lalaking Palestino.
May ilang lalaki rin sa Gaza ang pinipiringan at sinasaktan ng mga sundalo ng Israel ng ilang linggo.
Pinayuhan nito ang Israel na obserbahan ang international human rights at humanitarian law.