Higpitan muli ang mga sinturon dahil ngayong araw ay nagpatupad nanaman ng panibagong oil price hike an ilang kumpanya ng langis sa bansa.
Sa datos, aabot sa P1.70 ang magiging dagdag sa presyo sa kada litro ng diesel, habang nasa P0.45 naman ang itataas sa singil sa kada litro ng gasolina at kerosene.
Ito na ang ika-13 dagdag-presyo sa produktong petrolyo ngayong taon.
Ayon sa Department of Energy (DOE), sa ngayon ay pumapalo na sa Php 15 ang net increase ng year-to-date adjustment sa kada litro ng gasolina, habang nasa Php 25.65 naman sa kada litro ng diesel, at nasa Php 21.10 naman sa kada litro ng kerosene.
Magugunita na una rito ay nagpatupad ng rollback sa singil sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa loob ng dalawang magkasunod na linggo.