-- Advertisements --

Patuloy pa rin na mag-o-operate ng hanggang 15 percent ang mga onsite capacity ang Korte Suprema ng hanggang katapusan ng Oktubre.

Sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na gaya noong mga nagdaaang buwan na ang 15 percent ay binubuo ng mga essential staff ng SC.

Ang mga Office of Bar Confidant, medical and dental services, security division and maintenance division ay maaaring payagan ang 30% ang kanilang empleyado na pumasok.

Magiging rotation ang basehan ng pagpasok ng mga empleyado habang ang ibang mga empleyado ay sasailalim sa work-from-home.

Dagdag pa ni Gesmundo, wala pa ring personal filing policy.