Patuloy na nag-aambagan ng pera ang mga mambabatas sa mababang kapulungan ng kongreso para ibigay bilang cash incentives sa Tokyo Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz.
Sinabi ni Romero na mismong si Speaker Lord Allan Velasco ang nanguna sa hakbang na ito matapos na magbigay ng P200,000.
Target aniya ng Kamara na makalikom ng P5 hanggang P10 million para kay Diaz.
Sa ngayon, 40 kongresista na ang nangako na sila ay magbibigay.
Aabot na rin aniya ng P4 million ang natipon nilang pera na ibibigay kay Diaz.
Samantala, maghahain naman sina Romero at Deputy Speaker Benny Abante ng resolusyon na naglalayong gawing tax free ang mga incentives na matatanggap ni Diaz.
Sa kanyang tantiya, nasa P70 hanggang P80 million halaga ng cash at properties ang matatanggap ni Diaz dahil sa panalo nito sa Tokyo 2020 Olympics.