CENTRAL MINDANAO–Isinailalim sa pagsasanay kung paano tuklasin o ma-detect ang isang Improvised Explosive Device (IED) ang mga kawani ng General Services Office o GSO ng lokal na pamahalaan ng Midsayap, Cotabato sa pamumuno ni Mayor Rolly ‘Ur da Man’ Sacdalan.
Layon ng aktibidad na madagdagan pa ang kaalaman ng bawat isa kung paano maging alerto at nararapat na tugon nito kung sakaling mahaharap sa isang sitwasyon na may kinalaman sa bomba lalo pa’t sila ay nagtatrabaho sa pampublikong lugar/kalye
Isa-isang ipinaliwanag nina TSG. Ronaldo B. Magpantay, Staff Sgt. Allan Calayo at Cpl Rahfy N. Abellana ang mga kailangan nilang malaman tungkol sa IED tulad na lamang nang kung anong itsura nito, mga dapit gawin kapag may kahinahinalang bagay at mga karampatang parusa sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa bomba o IED.
Aktwal namang ipinakita ni K9 handler Roxanne Filipinas ang husay ng aso sa paghahanap ng isang IED.
Samantala, tinalakay naman ni Sanitary Inspector Toni Rose Gayda ang pinakamahalagang safety health tips sapagkat sila ay isa sa mga front liners.
Nagbigay naman ng mensahe ng pagpapaalala si Mayor UDM na maging alerto sa lahat ng oras lalo na’t may paparating na aktibidad ngayong Agosto kung saan sa bayan ng Midsayap gaganapin ang Search for Mutya ng Cotabato.