Masusundan pa ang mga kaso laban sa Green Hills hostage taker na si Archie Paray.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Debold Sinas sa panayam ng Bombo Radyo, illegal possession of firearms at explosives ang inisyal nilang isinampa, habang maghahain ng bukod na reklamo ang mga naging hostage nito.

Layunin ng hakbang na huwag tularan ang ginawa ng suspek para hindi malagay sa panganib ang mga inosenteng biktima.

Gayunman, iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang mga hinaing ni Paray sa kaniyang employer at security agency nito.

“Initial pa lang pong mga kaso ang ginawa natin. Bukod naman yung sa mga hinostage,” wika ni Sinas.