-- Advertisements --

Muling nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga tumatakbong kandidato sa national at local elections na mananagot ang mga ito kapag hindi sila sumunod sa itinakda ng pamahalaan na minimum health protocols.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimemez na magmumulta at posibleng makulong ang mga kandidatong lalabag sa mga protocol na itinakda ng pamahalaan sa kasagsagan ng kampanyahan.

Una rito, sinabi ni Jimenez na napansin daw nilang ilan sa mga campaing sorties na isinagawa nang nagsimula ang campaign period ay hindi raw sumunod sa pagsusuot ng facemasks at face shield maging ang pagsunod sa physical distancing.

Iginiit ni Jimenez na ang paglabag sa physical campaign guidelines ay nakasaad sa Comelec Resolution 10732.

Kaya naman ay dapat na mahigpit na i-monitor ng mga campaign committees sa kada lokalidad sa pamamagitan ng National Comelec Campaign Committee (NCCC) ang mga isasagawang campaign rallies.

Ang head ng NCCC na si Commissioner Rey Bulay ay nakikipag-ugnayan din sa Department of Health (DoH).

Binigyang diin pa ng Comelec na ang paglabag sa physical campaign guidelines ay itinuturing na election offenses.