-- Advertisements --
image 334

Iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na maaaring magkusa na magpakita ang mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections ng negatibong resulta ng kanilang drug test.

Ito ay kahit pa hindi minamandato ng poll body sa mga kandidatona sumailalim sa drug test.

Ginawa ng komisyon ang naturang pahayag matapos hamunin ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato na sumailalim sa drug test.

Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na makakatulong din ito para sa mga kandidato basta ito ay boluntaryo nilang gagawin.

Inihayag pa ng Comelec official na base sa naging hatol ng Korte Suprema noon na hindi maaaring isama ng poll body bilang requirements maliban sa mga nakasaad sa Konstitusyon.